dzme1530.ph

PAX SILICA, MAKATUTULONG SA PAGPAPASIGLA NG EKONOMIYA NG PILIPINAS, AYON SA DEPDEV CHIEF

Loading

Binigyang-diin ni Department of Economy, Planning and Development (DEPDev) Secretary Arsenio Balisacan na makatutulong ang partisipasyon ng Pilipinas sa Pax Silica Initiative na pinamumunuan ng US sa pagpapalawak ng ekonomiya.
 
Sa pamamagitan anya nito ng paghikayat ng investments sa industrialization at value-adding activities.
 
Nilinaw ni Balisacan na nagpapatuloy pa ang talakayan sa Pax Silica, subalit natukoy na ang potensyal ng proyekto na magpasok ng mga pamumuhunan na magpapatibay sa mga gawaing pang-ekonomiya sa bansa na may mas mataas na halaga.
 
Idinagdag ng DEPDev chief na ang kahalintulad na investments ay magpapabuti sa kalidad ng economic growth ng Pilipinas.

About The Author