![]()
Kabuuang 4,177,097 individuals o 1,205,839 families na ang naapektuhan ng mga nagdaang bagyong Luis at Maymay, gayundin ng Habagat, ayon sa Office of Civil Defense (OCD).
Batay sa pinakahuling datos ng ahensya, kabilang sa mga apektadong populasyon ay mula sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Bicol, Western Visayas, Zamboanga Peninsula, gayundin sa CALABARZON, Cordillera Administrative Region, Metro Manila, at MIMAROPA.
Sa mga naapektuhan, kabuuang 51,912 individuals o 14,511 families ang nananatili sa 523 evacuation centers.
Ayon sa OCD, nag-iwan ang masamang panahon ng 21 na nasawi, 17 na nasugatan, at tatlong nawawala.
Tinaya naman sa mahigit P2.647 billion ang halaga ng pinsala sa imprastraktura habang P347.372 million sa agrikultura.
