dzme1530.ph

Paghahain ng COC para sa BSK Election, hanggang Set. 2 lang

Nilinaw ng Commission on Elections na magsisimula sa August 28 hanggang September 2, 2023 ang paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) para sa Baranggay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Oktubre.

Sa panayam ng DZME1530, sinabi ni Comelec spokesperson John Rex Laudiangco na kasabay nito ang pagsisimula ng election period mula August 28 hanggang November 29, 2023.

Sa pagitan nito, ipagbabawal ang pangangampanya matapos ang paghahain ng COC.

Samantala, iginiit ni Laudiangco na papatawan nila ng karampatang kaso ang mga kandidato na magsasagawa ng premature campaigning.

About The Author