dzme1530.ph

20 patay sa bus accident sa Saudi Arabia

Patay ang 20 katao habang sugatan ang mahigit 24 na iba pa matapos masunog ang sinasakyang bus patungong Islam Holy Cities.

Ayon sa mga otoridad, nangyare ang insidente matapos bumangga ang bus sa tulay sa Southern Province ng Asir, Saudi Arabia.

Nasa Pilgrimage anila ang mga biktima papuntang Mecca at Medina kasabay ng pagdiriwang ng unang linggo ng Ramadan.

Base sa imbestigasyon, nagkaroon umano ng problema sa preno ng bus na nagresulta sa aksidente at ikinapahamak ng halos 50 turista.

About The Author