dzme1530.ph

ALEX EALA, MAKAKASAGUPA SI ELENA-GABRIELA RUSE SA CINCINNATI OPEN ROUND OF 64

Loading

Sisimulan ni Filipina tennis sensation Alexandra “Alex” Eala ang kanyang kampanya sa Cincinnati Open laban kay Elena-Gabriela Ruse sa Round of 64.

Ang 28-year-old Romanian tennis player ay kasalukuyang ranked No. 77 sa buong mundo, na may career-high ranking na No. 51, na naabot nito noong 2022.

Ang bente uno anyos naman na Pinay tennis ace ay ranked No. 20 sa buong mundo at tumanggap ng first-round bye sa tournament.

Ito ang ikalawang beses na maghaharap sina Eala at Ruse, matapos unang magkasagupa sa third round ng 2024 US Open qualifying tournament, kung saan nanalo ang Romanian tennis player.

About The Author