![]()
Kinumpirma ng PAGASA na may tsansang maging bagyo ang low pressure area na pumasok na sa Philippine Area of Responsibility.
Huling namataan ang LPA, 1,040 kilometers ng silangan ng Northern Luzon.
Ayon sa PAGASA, may katamtamang tsansa na maging tropical depression ang LPA sa loob ng susunod na 24 oras.
Sa ngayon ay wala pa naman itong direktang epekto sa lagay ng panahon sa bansa.
Inaasahang kikilos ang LPA pa-kanluran at posibleng dumaan sa extreme Northern Luzon.
