dzme1530.ph

MEAT IMPORTS, TUMAAS NG 33% SA UNANG ANIM NA BUWAN NG TAON

Loading

Umabot sa 870,000 metric tons ang pumasok na imported na karne sa bansa sa unang anim na buwan ng 2026.
 
Sa latest data mula sa Bureau of Animal Industry (BAI), tumaas ng 33% o sa 872,274 metric tons ang meat imports simula Enero hanggang Hunyo mula sa 778,100 metric tons na naitala sa kaparehong panahon noong 2025.
 
Lumobo ng 11% ang inangkat na karneng baboy sa 455,381 metric tons mula sa 409,693 metric tons noong nakaraang taon.
 
Tumaas din ng halos 14% ang imports sa chicken meat sa 291,497 metric tons mula sa 253,844 metric tons, habang 4% ang nadagdag sa beef imports sa 95,769 metric tons mula sa 91,649 metric tons.

About The Author