![]()
Para kay Akbayan Party-list Rep. Chel Diokno, ang big discrepancy sa SALN ni VP Sara Duterte at flagged transactions ng AMLC ay “smoking gun” sa ongoing impeachment proceedings.
Ayon kay Diokno, obligasyon na ngayon ng Bise Presidente na ipaliwanag ang gap sa mga idineklarang kayamanan at ang billion of pesos na AMLC findings.
Ang net inflow na dumaan sa kanyang bank accounts base sa pagbubunyag ng AMLC ay umabot sa P2.87-B, pero sa records mula sa Office of the Ombudsman, nakita sa declared net worth na tanging P88.5-M lamang ang kanyang latest SALN.
Para kay Diokno na isang human rights lawyer bago naging mambabatas, “smoking gun” ito insofar as probable cause is concerned.
Ibinasura rin nito ang argumento ng pro-Sara camp na dapat sa termino lamang nito bilang Bise Presidente relevant ang transaksyon.
Aniya, ang alegasyon ng unexplained wealth ay kinapapalooban ng mga nangyari noon at ngayon, o mga perang dumaan sa kanyang account, at naka-declare sa SALN.
