![]()
Lumipad patungong Miami si Brazilian Senator Flavio Bolsonaro matapos matalo sa presidential election noong Linggo.
Ang pagdating ni Bolsonaro sa Florida ang tumapos sa kalituhan ng mga tao hinggil sa kinaroroonan nito, matapos mapaulat na bumiyahe ito sa Argentina, saka pumasok sa Amerika.
Sinabi ng US na bibigyan nila ng visa ang Brazilian senator at kanyang pamilya na kasama niyang bumiyahe.
Kinansela ng Brazil ang passport ni Bolsonaro matapos mabigong sumuko sa mga pulis, bunsod ng ongoing criminal investigation.
Binatikos naman ni re-elected Brazilian President Luiz Inácio Lula da Silva ang naturang pag-alis, sa pagsasabing ang mga walang itinatago ay walang dapat ikatakot.
