![]()
Nakikipag-coordinate ang grupo ni Manny V. Pangilinan sa SM Group para sa pagbubuhos ng ₱120 billion para sa development ng elevated road network mula Balintawak sa Quezon City hanggang sa Bocaue, Bulacan.
Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., magsasanib-puwersa ang dalawang conglomerates para sa konstruksyon ng bagong road network na mag-uugnay sa northern part ng Quezon City patungong Bulacan na isa sa mga pinaka-populated na lalawigan.
Sinabi ni Marcos na pakiusap niya sa dalawang malalaking korporasyon na tulungan ang pamahalaan na madagdagan ang mga kalsada para sa mas maginhawang biyahe ng mga manggagawa.
Ginawa ng Pangulo ang anunsyo bago ang inaasahang pagdagsa ng mga biyahero mula sa Metro Manila patungong mga probinsya para sa All Saints’ Day at All Souls’ Day holidays sa darating na weekend.
