dzme1530.ph

FINANCIAL SYSTEM RESOURCES, PUMALO SA RECORD NA 38.6 TRILLION PESOS NOONG AGOSTO

Loading

Umakyat sa record na ₱38.56 trillion ang total resources ng financial system ng bansa noong Agosto, sa gitna ng patuloy na pagpapalawak ng mga bangko ng kanilang balance sheets.
 
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), ang August figure ay mas mataas ng 11.1% kumpara sa ₱34.69 trillion na naitala noong August 2025.
 
Bahagya rin itong mas mataas ng 1.2% kumpara sa ₱38.09 trillion noong Hulyo.
 
Ang total financial system resources ay pangkalahatang kumakatawan sa mga asset na hawak ng mga bangko at non-bank financial institutions, kabilang ang loans, investments, cash at iba pang financial holdings.

About The Author