![]()
Muling ilalagay sa red at yellow alert status ang Visayas Grid ngayong araw ng Huwebes.
Ayon sa advisory ng National Grid Corporation of the Philippines, epektibo ang red alert mula 5 PM hanggang 6 PM.
Yellow alert naman mula 3 PM hanggang 5 PM at 6 PM hanggang 9 PM.
Sa datos ng NGCP, ang Visayas Grid ay may available capacity na 2,408 megawatts habang ang peak demand ay 2,555 megawatts.
Kinumpirma rin ng NGCP na sampung planta ang nag-forced outage ngayong buwan ng Oktubre.
