![]()
Mahirap i-ignore ang P6.77-B AMLC flagged transactions na konektado sa accounts ni VP Sara Duterte at Atty. Manases Carpio.
Ayon kay House Deputy Speaker Paolo Ortega V, masyadong malaki ang halaga para balewalain, dahil inilalarawan nito ang scale of financial activity na kailangang mabigyan ng linaw.
Aniya, ito ang dapat tuunan ng publiko, dahil hindi lang basta may gumalaw na pera, kundi malaking pera na na-flag ng AMLC at hindi ito ordinaryong usapin ng bank records kundi kahina-hinalang galaw o antas ng transaksyon.
Kung gagamitin umano ang gov’t benchmarks, ang P6.77-B ay makapagpapagawa na ng 3,150 classrooms gamit ang DepEd’s standard cost for school building construction.
Kung ito naman ay gagamitin sa fuel subsidy at P5,000 per beneficiary, mabibigyan na nito ang 1,354,000 drivers, at kung pansuweldo naman sa NCR, 31,121 workers na ang may sweldo sa loob ng isang taon.
