dzme1530.ph

IRAN, TUMANGGING BUKSAN MULI ANG STRAIT OF HORMUZ

Loading

Nanindigan ang Iran na hindi nito muling bubuksan ang Strait of Hormuz hangga’t nananatili ang US blockade.
 
Sinabi ni Iranian Parliament Speaker Mohammad Bagher Ghalibaf na imposible ang reopening ng Strait of Hormuz sa gitna ng tahasang paglabag sa ceasefire.
 
Ayon naman sa tagapagsalita ng Foreign Ministry ng Iran, binibigyang halaga ng Islamic Republic ang pagsisikap ng Pakistan na matuldukan na ang giyera subalit hindi ito nagkomento sa ceasefire extension na inanunsyo ng Estados Unidos.
 
Una nang inihayag ng Revolutionary Guards na kinomander ng kanilang naval forces ang dalawang container ships na nagtangkang tumawid sa strategic strait.

About The Author