dzme1530.ph

MALAKANYANG, TINIYAK NA MAY SAPAT NA PONDO PARA SA PAGHAHANDA SA EPEKTO NG EL NIÑO

Loading

Tiniyak ng Malacañang na sapat ang pondo ng gobyerno para sa paghahanda sa epekto ng El Niño.
 
Ayon kay Palace Press Officer, Atty. Claire Castro, mayroong pang ₱6.2 billion ang gobyerno na maaaring gamitin ng Department of Agriculture para sa mga magsasaka at mangingisda na apektado ng El Niño at kasalukuyang energy pressure.
 
Mayroon din aniyang ₱38.83 billion na nakalaan sa NDRRM Fund na maaaring magamit sa mga kaganapan na may kinalaman sa El Niño.
 
Sinabi ni Castro na daragdagan ang pondo sa susunod na taon ng ₱45.67 billion bukod pa sa Quick Response Fund ng frontline agencies kasama na ang National Food Authority at National Irrigation Administration.

About The Author