![]()
Posibleng muling tumaas ang presyo ng gasolina at kerosene habang maaaring bumaba ang presyo ng diesel sa susunod na linggo.
Ito, ayon sa Department of Energy, ay batay sa kanilang pagtataya base sa paggalaw ng international oil prices.
Ayon kay DOE Oil Industry Management Bureau Director Rino Abad, maaaring madagdagan ng ₱1.50 ang kada litro ng gasolina habang ₱2 sa bawat litro ng kerosene.
Posible namang mabawasan ng ₱1 ang bawat litro ng diesel.
Sinabi ni Abad na batay ito sa average movement ng international oil market sa nakalipas na apat na araw na trading.
Maaari pa aniya itong mabago depende sa development sa international market at global geopolitical situation.
