dzme1530.ph

MAHIGIT 3.7 MILYONG KATAO, APEKTADO NG PINAGSAMANG EPEKTO NG HABAGAT AT MGA BAGYO, AYON SA NDRRMC

Loading

Tinaya ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa mahigit 3.7 milyong katao ang naapektuhan ng pinagsamang epekto ng pinaigting na Habagat at mga bagyong Luis at Maymay sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.
 
Batay sa pinakahuling tala ng NDRRMC, 21 ang naiulat na nasawi dulot ng masamang panahon, kabilang ang labinlima mula sa Benguet bunsod ng landslides.
 
Tatlo naman ang nananatiling nawawala habang 53,500 individuals ang pansamantalang nanunuluyan sa evacuation centers.
 
Kabilang din sa naitala ng NDRRMC ang 1,439 na nasirang mga bahay.
 
Samantala, umabot na sa 2.647 billion pesos ang halaga ng pinsala sa imprastraktura habang 347.372 million pesos sa agrikultura.

About The Author