dzme1530.ph

65.6 MILLION NA HALAGA NG TULONG, IPINAMAHAGI NG PAGCOR SA MGA NAAPEKTUHAN NG MASAMANG PANAHON

Loading

Nag-release ang Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) ng 65.60 million pesos na halaga ng food and non-food assistance sa mga komunidad sa Luzon at Metro Manila na apektado ng mga bagyong Luis at Maymay at pinalakas na Habagat.
 
Inihayag ng ahensya na namahagi sila ng 47,192 relief items na binubuo ng 23,596 food packs na nagkakahalaga ng 28.91 million pesos at 23,596 non-food packs na halaga ng 36.69 million pesos.
 
Sinabi ni PAGCOR Chairperson and CEO Alejandro Tengco na sinimulan nila ang pamamahagi ng relief packs sa mga apektadong lugar noong Aug. 8, bilang bahagi ng kanilang disaster response efforts.
 
Pinadala ang relief goods sa Bulacan, La Union, Baguio City, Isabela, Nueva Ecija, Cavite, at Rizal, maging sa ilang bahagi ng Pangasinan, Quezon, Batangas, Camarines Norte, Abra, Laguna, at Pampanga.
 
Sa Metro Manila, naglaan din ng PAGCOR ng tulong para sa mga lungsod ng Parañaque at Marikina.

About The Author