dzme1530.ph

Natitirang suspects sa Degamo slay, nasa Negros pa rin —PNP

Naniniwala ang PNP na nasa Negros Island pa rin ang mga natitirang suspek sa pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo noong March 4.

Sinabi ni Police Lt. Col. Gerard Pelare, tagapagsalita ng Special Investigation Task Group Degamo, na bukod sa tatlong naaresto at isang napaslang, nasa lima pang suspects ang pinaghahanap ng pinagsanib na puwersa ng pulisya at militar.

Idinagdag ni Pelare na lahat ng entry at exit points sa Negros ay mahigpit na binabantayan dahil nasa isla pa rin ang mga salarin at hindi makalabas.

Binigyang diin ng opisyal na ang tatlong suspects ay nadakip limang oras makalipas ang pag-atake noong Sabado ng umaga na ikinasawi ni Degamo at limang iba pa habang namamahagi ang gobernador ng ayuda sa kanyang constituents sa bahay nito sa bayan ng Pamplona.

Umakyat naman sa siyam ang death toll noong linggo, ayon sa task force.

About The Author