![]()
Pinatitiyak ng isang kongresista na hindi masasayang ang pondo para sa service contracting program ng gobyerno sa gitna ng krisis sa langis.
Sa panayam ng DZME Radyo TV, sinabi ni Quezon City 3rd District Rep. Franz Pumaren na dapat palawakin ng gobyerno ang kanilang kampanya upang malaman ng mga benepisyaryo ang programa.
Kasunod ito ng impormasyon na kaunting public utility vehicle drivers at operators pa lamang ang nais makiisa sa programa.
Pinatitiyak din ni Pumaren na dapat higpitan ang monitoring sa mga kasama sa service contracting program upang matiyak na nakatitipid talaga ito ng konsumo sa langis kasabay ng pagtulong sa mga driver at mga commuter.
