![]()
Posibleng maibalik sa Pilipinas si dating Cong. Zaldy Co sa loob ng isa hanggang tatlong linggo.
Ito ang pagtaya ni Interior Secretary Jonvic Remulla matapos maaresto si Co sa Czech Republic dahil sa pagbiyahe nang walang kaukulang dokumento.
Sinabi ni Remulla na nakikipag-ugnayan na ang Department of Foreign Affairs sa gobyerno ng Czech Republic para sa deportation kay Co.
Sa pagdating anya ni Co sa bansa ay isasailalim siya sa complete physical examination sa Camp Crame sa Quezon City.
Posible anya siyang ikulong sa Sandiganbayan, sasailalim sa arraignment at haharap sa mga pagdinig kung bailable ang kanyang kaso.
Si Co ay nahaharap sa mga kasong graft at malversation dahil sa anomaliya sa flood control projects.