![]()
Binalaan ng Food and Drug Administration ang publiko sa pagbili at paggamit ng hindi awtorisadong food supplement.
Sa FDA advisory na nilagdaan ni FDA Director General Atty. Paolo Teston, tinukoy ang ‘Luxe Skin Beauty Talks L. Anna Premium Oral Sunblock Plus Stem Cell Dietary Supplement.’
Sinabi ni Teston na walang Certificate of Product Registration ang produkto at hindi sumailalim sa kanilang pagsusuri para sa kaligtasan, kalidad at bisa.
Ipinagbabawal ng FDA ang paggawa, pag-aangkat, pag-e-export, pagbebenta, pag-aalok, pamamahagi, paglilipat, non-consumer use, promosyon, pag-aanunsyo o sponsorship ng mga health products nang walang tamang awtorisasyon.
Binalaan ng FDA ang mga establisimiyento na mahaharap sa regulatory action o parusa kung mapatutunayang namamahagi, nagbebenta, nag-aadvertise o napo-promote ng produkto.
Hiniling din sa mga awtoridad na tiyaking hindi maibebenta sa merkado ang produkto.
