DZME1530

#PBBM at First Lady Liza Marcos, dadalo sa koronasyon ni King Charles III ng UK sa Mayo

Tinanggap ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta-Marcos ang imbitasyon para sa koronasyon ni King Charles III ng Great Britain sa Mayo a-6, 2023.

Ayon sa Presidential Communications Office, mismong sina King Charles at Queen Consort Camilla ang nag-imbita sa Pangulo at unang ginang para sa coronation ceremony sa Westminster Abbey sa London.

Bukod dito, tinanggap din nila ang imbitasyon ng Master of the Household para sa reception sa Buckingham Palace sa Mayo 5, isang araw bago ang koronasyon.

Matatandaang umupo sa trono ng Britanya si King Charles noong Setyembre 2022 makaraang pumanaw ang kanyang inang si Queen Elizabeth II. –sa panulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author