dzme1530.ph

NATIONAL INFRASTRUCTURE MASTERPLAN KONTRA UNFINISHED AT SUBSTANDARD NA PROYEKTO, IGINIIT

Loading

Muling nanawagan si Senate Blue Ribbon Committee Chairman Erwin Tulfo para sa mabilis na pagpasa ng “Masterplan for Infrastructure and National Development (MIND) Act,” na naglalayong bumuo ng komprehensibong national masterplan para sa mga imprastraktura sa buong bansa.

Kasalukuyang nakabinbin ang naturang panukalang batas sa Senate Committee on Economic Affairs.

Sinabi ni Tulfo na nasasayang ang pondo ng bayan sa mga public infrastructure projects na hindi naman napapakinabangan ng publiko.

Binigyang-diin ng senador na lalong nagiging mahalaga ang “MIND Act” ngayong sinisimulan na ng Senado ang talakayan ukol sa panukalang 2027 National Budget.

Sinabi ng senador na dapat matibay at tuloy-tuloy ang pakinabang sa mga pampublikong imprastraktura.

Nauna nang nangako si Tulfo na pangungunahan niya ang imbestigasyon ng Senado hinggil sa mga substandard na proyektong ibinunyag ng mga nakalipas na pag-ulan at pagbaha.

About The Author