dzme1530.ph

DECLARATION PARA SA PAGPAPALAKAS NG REGIONAL SAFEGUARDS SA MGA MIGRANT WORKERS, PINAGTIBAY NG ASEAN LEADERS

Loading

Pinagtibay ng mga lider ng Association of Southeast Asian Nations ang binuong declaration na pinangunahan ng Pilipinas para sa pinalakas na regional safeguards para sa migrant workers.

Kabilang dito ang pagsawata sa labis-labis na recruitment fees, paglaban sa human trafficking at pagbuwag sa mga online scam operations.

Inaasahang makikinabang sa kasunduan ang milyun-milyong migrant workers sa Southeast Asian countries, kabilang ang 600,000 Overseas Filipino Workers.

Ayon kay DMW Secretary Hans Leo Cacdac, pinalalakas ng bagong kasunduan ang mga kasalukuyang commitment ng ASEAN na protektahan ang mga karapatan at kapakanan ng migrant workers.

Magdudulot anya ito ng mas malawak na transparency at accountability sa recruitment at placement sa lahat ng ASEAN member states.

About The Author