dzme1530.ph

GOVERNMENT SUBSIDY, BUMAGSAK NG MAHIGIT 33% NOONG SETYEMBRE

Loading

Bumaba ng 33.37% o sa ₱6.13 billion ang national government subsidies noong Setyembre bunsod ng malaking ibinawas sa alokasyon sa agricultural at food-security agencies.
 
Batay sa report ng Bureau of Treasury, bumagsak ng 90.76% o sa ₱317 million ang subsidiya sa National Food Authority (NFA).
 
Naitala naman sa ₱2.32 billion ang subsidy sa National Irrigation Administration (NIA) na mas mababa ng 28.18% kumpara noong Sept. 2025.
 
Nananatili ang NIA bilang largest single subsidy recipient noong Setyembre, na kumakatawan sa halos 38% ng lahat ng government subsidies na ipinagkaloob sa naturang buwan.

About The Author