![]()
Uusad ang Adamson University sa semifinals ng 2026 Shakey’s Super League (SSL) Unity Cup matapos matakasan ang University of the Philippines.
Tinalo ng Lady Falcons ang Fighting Maroons sa do-or-die game, 25-19, 22-25, 25-7, 25-16, sa Muntinlupa Sports Center, para ma-okupa ang huling spot sa Last Four ng tournament.
Makakasagupa ng Adamson ang unbeaten na National University sa knockout semifinals.
Maghaharap naman ang Far Eastern University at ang runner-up noong nakaraang taon na University of Santo Tomas sa kabilang semis pairing.
