dzme1530.ph

DAVAO CITY MAYOR BASTE DUTERTE, IDINEKLARANG HOSTILE WITNESS NG IMPEACHMENT COURT ‘

Loading

Idineklarang hostile witness ng Impeachment Court si Davao City Mayor Sebastian Baste Duterte.

Sumalang ang alkalde sa Day 31 ng impeachment trial sa kanyang kapatid na si Vice President Sara Duterte.

Sa pagharap kay Mayor Baste, sinabi ni Atty. Theodore Te ng prosecution na pangunahing usaping itatanong sa kanya ang mga kaalaman kaugnay sa transaksyon ng Davao LGU sa GENCORP Industries na idinidikit kay VP Sara.

Iginiit naman ng defense team na irrelevant ang testimonya ng alkalde dahil na-establish na sa pahayag ng mga naunang testigo ang mga kontrata ng lokal na pamahalaan at ng kumpanya.

Umikot ang unang mga tanong ni Te kay Mayor Baste sa kanyang mga naging pahayag kaugnay sa anya’y motibo ng administrasyon sa impeachment trial laban sa kanyang kapatid.

Matapos mapakumpirma ni Te kay Mayor Baste ang mga inilabas niyang statement laban sa impeachment trial at sa kumpirmasyon na hindi magtutungo ang alkalde sa korte kung walang subpoena, ay hiniling niyang ideklara bilang hostile witness ang alkalde, na kinontra naman ng depensa.

Sa ruling naman ni Presiding Officer Francis Chiz Escudero, inaprubahan ang deklarasyon kay Mayor Baste bilang hostile witness dahil kung mapapatunayan sa mga testimonya nito ang mga alegasyon ng prosecution, ay mae-expose ang respondent sa liability.

About The Author