dzme1530.ph

MALAKANYANG, MAKIKIPAG-UGNAYAN SA DEPED KAUGNAY SA SHIFTING NG KLASE SA GITNA NG SUPER EL NIÑO

Loading

Makikipag-ugnayan ang Malacañang sa Department of Education kaugnay sa mungkahi ng Climate Change Commission o CCC na magkaroon ng shifting sa oras ng klase ng mga estudyante.
 
Ito ay upang matiyak ang kaligtasan ng mga estudyante sa inaasahang sobrang init na mararanasan mula sa epekto ng super El Niño.
 
Sinabi ni Palace Press Officer, Atty. Claire Castro, mahalagang matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng mga estudyante upang hindi mahirapan sa pag-aaral sa panahon ng El Niño.
 
Batay sa mungkahi ng CCC, sisimulan ang klase tuwing 6 AM hanggang 9:30 AM at iwasan ang mula 10 AM hanggang 3 PM upang matinding init ng panahon dulot ng super El Niño.

About The Author