dzme1530.ph

COCO MARTIN, NANINDIGANG HINDI PAPASOK SA PULITIKA

Loading

Muling itinanggi ni Coco Martin na papasok siya sa pulitika anytime soon, bagaman inamin niya na palagi siyang tinatanong kung may balak siyang kumandidato.
 
Sinabi ni Coco na matagal na siyang inaalok, halos tuwing mag-e-eleksyon subalit wala talaga siyang interes dahil nakikita niya kung gaano ito kahirap.
 
Idinagdag ng actor-director na bagaman mayroong mga matinong pulitiko, hindi niya nakikita ang kanyang sarili na maging bahagi ng pulitika.
 
Katwiran ni Coco, kaya naman niyang tulungan ang kanyang mga kababayan kahit sa maliit na paraan, at sapat na ito para sa kanya.
 
Binigyang-diin ni Coco na mas nais niyang mabuhay nang tahimik at mag-focus sa kanyang trabaho bilang aktor at direktor.

About The Author