![]()
Sisilipin ng Kamara de Representantes ang naungkat na ₱319-M China-linked remittances sa kumpanyang nauugnay sa asawa ni VP Sara Duterte na si Atty. Manases Carpio.
Ito ang ibinunyag ni Bicol Saro Party-List Rep. Terry Ridon, kung saan tampok sa iimbestigahan ay ang Cale88 Food Corp.
Ayon kay Ridon, magkahiwalay na iimbestigahan ng Kongreso ang financial transactions sa Cale88 at pro-China propaganda activities sa Pilipinas.
Nag-ugat ang kontrobersiya nang ibunyag sa Senate impeachment court ng AMLC ang pagpasok ng kabuuang ₱319-M remittances mula sa mainland China at Hong Kong sa account ng Cale88.
Kinumpirma na rin ng National Security Council ang pagsisiyasat sa nasabing remittances.
Posibleng sa susunod na linggo o sa muling pagbabalik ng sesyon ng Kongreso sa Nov. 9, masimulan ang House inquiry.
