dzme1530.ph

‘KILOS NI CHINESE AMBASSADOR JING, MAY BASBAS NG KANILANG GOBYERNO’

Loading

NANINIWALA si Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr na hindi lamang sariling aksyon ni Chinese Ambassador Jing Quan ang naging pagbabanta nito sa bansa.
 
Sinabi ni Teodoro na malinaw na deliberate o sinadya ang aksyon dahil kung hindi anya ito kautusan ng gobyerno ng China ay posibleng naparusahan na ang ambassador.
 
Kasabay nito, bagama’t aminado ang kalihim na malakas ang pwersa ng China, hindi naman anya dapat itong maging hadlang upang ipaglaban natin ang ating mga karapatan.
 
Binigyang-diin ni Teodoro na hindi naman kinakailangang tapatan ang 100 percent ang pwersa ng China at kailangan lamang maging matatag sa ating paninindigan sa ating teritoryo.

About The Author