dzme1530.ph

ABSENCE NI VP SARA DUTERTE SA PAGTALAKAY NG BUDGET NG OFFICE OF THE VICE PRESIDENT SA SENADO, PINUNA NI SP GATCHALIAN

Loading

INAPRUBAHAN na sa committee level ang panukalang ₱785.2 million na budget ng Office of the Vice President para sa susunod na taon, sa Senado.
 
Ito ay kahit hindi dumalo sa budget hearing ang Bise Presidente.
 
Bago ang approval, tinanong ni Senate President Sherwin Gatchalian ang chief of staff ni VP Sara na si Atty. Zuleika Lopez kung nasaan ang Bise Presidente.
 
Ipinaliwanag naman ni Lopez na dumadalo si VP Sara sa inurnment ng City Planner ng Davao City bilang kinatawan ng kanyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
 
Iginiit naman ni Gatchalian na umaasa siyang mabibigyan ng oras ni VP Sara ang pagharap sa kanila pagdating sa plenary hearing ng budget.
 
Tumagal lamang ng 16 minuto ang pagtalakay sa budget ng OVP at isinulong na ni Senador Imee Marcos ang mosyon upang iendorso na sa plenaryo ang budget nang walang ibang naging interpelasyon.
 
Ang panukalang budget ng OVP para sa susunod na taon ay mababa ng 11.7 percent kumpara sa ₱889.23 million ngayong taon.

About The Author