dzme1530.ph

BEIJING, HINAMONG PANGALANAN ANG FILIPINO OFFICIALS NA NAIS I-BAN SA PAGPASOK SA CHINA

Loading

Hinamon ni Cong. Terry Ridon ang Beijing na pangalanan ang mga Filipino officials na nais nitong i-ban ang pagpasok sa China.

Ayon kay Ridon, walang natatakot sa banta na ’yan ng China.

Matatandaan na noong June 2026, pinagbawalan ng China na makapasok sa mainland, Hong Kong at Macao si Defense Sec. Gibo Teodoro, gayundin ang pakikipagtransaksyon sa anumang negosyo.

Pabor din ang mambabatas na ideklarang persona non grata si Chinese Ambassador to the Philippines Jing Quan, subalit ipinapaubaya na niya ito kay PBBM.

Nanindigan si Ridon na huwag palagpasin ang pagbabanta na ginagawa ng mga tauhan ng Embahada ng China sa Pilipinas.

Kamakailan ay tahasang sinabi ni Amb. Jing na kung gagamit ng puwersa ang China ay walang duda na hindi mananalo ang Pilipinas.

Pinalagan ito ng mga senador, kongresista, at maging si Pang. Marcos dahil pagbabanta ito sa national security.

About The Author