![]()
Hindi pabor si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagdedeklara bilang persona non grata sa sinumang foreign diplomat tulad ni Chinese Ambassador to the Philippines Jing Quan.
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, iginagalang ng Pangulo ang pahayag ng mga senador at iba pang opisyal na nananawagan ng expulsion ng ambassador.
Subalit hindi anya gugustuhin ng Pangulo na magkaroon ng naturang deklarasyon at mas paiiralin ang diplomasya.
Tiniyak ni Castro na nananatiling maingat ang Pangulo sa mga public statements dahil sa posibleng epekto sa bansa at sa mamamayan ng anumang magiging pahayag nito.
Magpapatuloy din anya ang negosasyon ng Pilipinas sa China at iba pang bansa sa pamamagitan ng diplomatic channels.
