![]()
Target ng Department of Health (DOH) na mabakunahan ang dalawang milyong mag-aaral laban sa human papillomavirus (HPV), isang virus na nagdudulot ng cervical cancer.
Ayon kay DOH Epidemiology Bureau Director Alethea de Guzman, sa ilalim ng Bakuna Eskwela Program, target nilang mabakunahan ang 2.007 million learners mula Grades 4 at 5 sa mga pampubliko at pribadong paaralan.
Idinagdag ni de Guzman na sa naturang bilang, nasa 9% ang tinatayang out-of-school youth.
Ang Bakuna Eskwela ay taunang school-based immunization program ng DOH at ng Department of Education.
Iniaalok sa ongoing immunization program ang mga bakuna laban sa cervical cancer, measles, German measles o rubella, tetanus, at diphtheria.
