![]()
Nag-isyu na ang National Bureau of Investigation ng subpoena laban sa aide at tiyuhin ni Senador Robin Padilla bilang bahagi ng imbestigasyon sa umano’y pagtakas ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa sa Senado noong May 14.
Ayon kay NBI Director Melvin Matibag, pinahaharap nila sa kanilang imbestigasyon ang ilang may kinalaman sa pagtakas.
Kabilang sa mga ito ang deputy chief of staff ni Padilla na si Jean Robles, ang tiyuhin ng senador na si Virgilio Cariño, ang suspended Senate Sgt. at Arms na si Mao Aplasca at si Pasay City Police Chief Joselito de Sesto.
Una nang inihayag ni Padilla na nakisabay lamang sa kanya si dela Rosa noong May 14 palabas ng Senado.
Naninindigan din si Senate President Alan Peter Cayetano na hindi pagtakas ang ginawa ni dela Rosa dahil wala pa siyang warrant of arrest noong mga oras na iyon.
