![]()
Lumobo sa mahigit 3 billion dollars ang balance of payment (BOP) gap ng Pilipinas noong Setyembre.
Batay sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), nakapagtala ang bansa ng 3.144-billion-dollar deficit noong nakaraang buwan.
Mas mataas ito kumpara sa 596 million dollars na gap na nai-record noong Agosto.
Ito ang ikatlong sunod na buwan na nasa deficit ang BOP position, at pinakamalaking monthly shortfall sa loob ng halos dalawang taon o simula nang maitala ang 4.078 billion dollars noong January 2025.
Ang September figure ay reversal din ng 82-million-dollar surplus na naitala sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.
