![]()
Nai-release na ng Department of Budget and Management (DBM) ang 67.6% ng 2026 national budget noong katapusan ng first quarter.
Batay sa DBM Status of Allotment Release Report, nasa 4.55 trillion pesos na ang nailabas na pondo mula sa 6.79 trillion pesos, habang may 2.24 trillion pesos na undistributed.
Ang release rate noong katapusan ng Marso ay mas mabagal kumpara sa 87.2% noong nakaraang taon.
Ang mga ni-release sa government agencies at departments ay nagkakahalaga ng 2.77 trillion pesos, katumbas ng 75.4% ng kanilang mga alokasyon.
