dzme1530.ph

22 PANG PINOY, LIGTAS NA NAILIKAS SA ISRAEL

Loading

Dalawampu’t dalawa pang Pinoy, kabilang ang dalawang minors ang ligtas na nailikas mula sa Israel at nakatakdang dumating sa bansa, bukas, April 18.
 
Ito ang kinumpirma ng Philippine Embassy sa Israel.
 
Umasiste sa grupo ang mga tauhan ng Department of Migrant Workers at Overseas Workers Welfare Administration sa pagtawid sa Taba, Egypt border palabas ng Israel, kahapon, April 16.
 
Pagdating sa Taba, Egypt, agad namang tumulong sa kanila ang mga tauhan ng Philippine Embassy sa Cairo at ang OWWA Rapid Response Team.
 
Mula Cairo, bumiyahe ang grupo patungong Oman bago lumipad patungong Pilipinas.
 
Sa tala, kabuuang 191 na Pinoy caregivers, hotel workers, mga minor, turista, pilgrims at mga estudyante ang nailabas na ng gobyerno sa Israel.

About The Author