dzme1530.ph

MARICEL SORIANO, DUMALO SA MISA PARA SA UNANG DEATH ANNIVERSARY NI NORA AUNOR

Loading

Kabilang ang Diamond Star na si Maricel Soriano na nagbigay-pugay sa unang death anniversary ng Superstar at National Artist na si Nora Aunor.
 
Sa Instagram, ibinahagi ni Lotlot de Leon ang ilang litrato mula sa Holy Mass para sa yumaong ina, na dinaluhan din ng kanyang mga kapatid na sina Matet at Kenneth.
 
Sa caption, inihayag ni Lotlot ang pagmamahal sa ina at pasasalamat kay Maricel.
 
May mga fans din na nagtipon-tipon para sa first death anniversary ni Nora sa Libingan ng mga Bayani, kasama ang isa pang anak ng Superstar na si Ian de Leon.
 
Pumanaw si Nora noong April 16, 2025 sa edad na 71 bunsod ng acute respiratory failure.

About The Author