![]()
Nagbabala ang mga eksperto sa kalusugan laban sa lumalalang antibiotic resistance na maaaring dulot ng hindi tamang paggamit ng antibiotics sa mga kaso ng ubo.
Ayon sa mga doktor, karamihan sa mga ubong tumatagal ng ilang araw ay sanhi ng viral infection, kaya hindi ito ginagamot ng antibiotic.
Kapag ginamit ang antibiotic nang walang reseta o hindi kinakailangan, maaaring maging resistant ang mga bakterya sa gamot.
Kapag nagkaroon ng antibiotic resistance, mas nahihirapan nang gamutin ang mga susunod na bacterial infections at maaaring humantong sa mas malubhang komplikasyon.
Pinapayuhan ang publiko na huwag bumili o uminom ng antibiotic nang walang payo ng doktor, at tapusin ang buong reseta kung ito ay inireseta.
Mahalaga rin ang sapat na pahinga, pag-inom ng tubig, at agarang pagpapasuri kung ang ubo ay may kasamang mataas na lagnat, hirap sa paghinga, o tumatagal nang higit sa tatlong linggo.
