![]()
Kinumpirma ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na unang ginusto ni Vice President Sara Duterte na magpaaresto at magpakulong sa Kampo Crame.
Sinabi ni Remulla na unang nakipag-ugnayan ang mga tauhan ng Philippine National Police sa kampo ng Bise Presidente matapos maglabas ng warrant of arrest ang Quezon City Regional Trial Court dahil sa kasong grave threats.
Ang nais anya ng Bise Presidente ay arestuhin siya at ikulong.
Gayunman, hindi ito ginawa ng mga pulis bilang pagrespeto sa Bise Presidente.
Sa huli anya ay nagpalit ng isip ang kampo ng Bise Presidente at dumiretso na lamang sa Quezon City RTC.
