![]()
Dumistansya si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga huling pahayag ni Vice President Sara Duterte matapos magpiyansa sa Quezon City Regional Trial Court dahil sa kasong grave threats.
Nagtungo ang Pangulo sa Marikina Solid Waste Management System kaninang umaga upang magsagawa ng inspeksyon.
Tinangka ng media na hingan siya ng komento sa mga pahayag ni VP Sara subalit tumanggi muna ito.
Sa pagtungo sa Quezon City RTC nitong Sabado, sinabi niyang pakiramdam niya ay hindi siya ligtas at wala siyang tiwala sa korte sa bansa.
