![]()
Isa pang ebidensya ang posibleng madagdag kung matutuloy ang impeachment hearing sa Senado laban kay VP Sara Duterte.
Ito’y makaraang mag-isyu muli ang COA ng notice of disallowance o ND sa P300-M confidential funds ng Office of the Vice President.
Ayon kay Bicol Saro PL Rep. Terry Ridon chairman ng House Committee on Public Accounts, hiwalay pa ang P300-M na ito sa P73-M na pinasasauli ng COA sa national cofer.
Paliwanag ni Ridon, bagaman at pwede pang umapila si VP Sara sa P73-M, pero wala na ito sa kamay ng COA dahil may final ruling nadito at may corresponding liability na dito ang Pangalawang Pangulo.
Malinaw kay Ridon na ipinapakita umano dito ng COA na ang karagdagang disallowanace sa confidentil funds ay hindi lamang sa iisang panahon kundi malawak ay may pattern ng maling paggasta.
Nanindigan naman si Ridon na kailangang personal na isauli ni VP Sara ang P73-M, dahil hindi OVP ang inaatasan dito ng COA kundi siya.
