![]()
Sumalang sa witness stand sa pagdinig sa kaso ni dating House Speaker Martin Romualdez sa Sandiganbayan Third Division si dating DPWH district engineer Henry Alcantara.
Si Alcantara na inaprubahang maging state witness sa kasong may kinalaman sa flood control scam ay tumestigo sa bail hearing ni Romualdez sa kasong plunder hinggil sa ₱7.44 billion na halaga ng infrastructure projects.
Matatandaang una na ring humarap si Alcantara sa pagdinig sa kaso ni dating Senador Bong Revilla.
Plano rin ng special prosecutors na iharap si Alcantara sa trial ni Senador Jinggoy Estrada.
Sa ngayon, nagsauli na si Alcantara ng kabuuang ₱110 million sa Department of Justice mula sa ₱300 million na inamin niyang kickbacks mula sa flood control projects sa Bulacan.
