![]()
Hiniling ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) sa Department of Labor and Employment na magpalabas ng department order para sa mandatory occupational safety and health standard dahil sa banta ng Super El Niño.
Punto ng TUCP, ang inaasahang extreme heat ay magdudulot ng panganib sa mga manggagawa, lalo na ang mga outdoor workers, kaya kailangan itong paghandaan.
Sa ilalabas na department order (DO), nakalagay ang employer obligations at parusa sa mga non-compliance.
Saad pa ng TUCP, dapat i-convene ng DOLE ang National Tripartite Industrial Peace Council o NTIPC meeting kasama ang mga kinatawan mula sa labor at employers upang isapinal ang DO.
Laman ng DO ang comprehensive Super El Niño heat risk action plan, kagaya ng “mandatory heat break na hindi nababawasan ang wages and benefits, free, safe and readily accessible drinking water, mandatory buddy system and active heat-stress monitoring, mandatory heat-stress orientation, at mandatory ventilation, cooling and engineering control.”
Giit ng TUCP, hindi sapat ang simpleng labor advisory ngayong may Super El Niño kaya mahalagang kumilos agad ang DOLE.
