![]()
Pinatitiyakan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kaligtasan ng mga Pinoy sa France sa gitna ng mga kaguluhan at riot.
Sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, tinututukan ng Department of Migrant Workers sa Milan ang sitwasyon upang matiyak na walang Pinoy ang madadamay sa kaguluhan.
Sinabi ni Castro na sa mga pangyayaring tulad nito, unang ipinag-uutos ng Pangulo ang pagbibigay-prayoridad sa kaligtasan ng mga Pilipino.
Umaasa rin aniya ang Pangulo na agad huhupa ang tensyon at kaguluhan sa France kasabay ng pagtiyak na nakahanda ang gobyerno na mailikas ang mga Pinoy kung kinakailangan.
Wala pa namang impormasyon kung may epekto sa European leaders na nakatakdang dumalo sa ASEAN Summit sa susunod na buwan ang kaguluhan sa France.
