dzme1530.ph

PNP, NANINDIGAN LABAN SA MGA PAGTATANGKA NG KAGULUHAN SA HOSTING NG BANSA SA ASEAN SUMMITS

Loading

Nanindigan ang Philippine National Police laban sa mga pagtatangkang muli ng mga raliyista na guluhin ang hosting ng bansa sa 49th ASEAN Summit and Related Summits.

Sinabi ni PNP Chief, Police General Melencio Nartatez Jr. na mananatili ang deployment ng bilang ng mga pulis sa iba’t ibang summit venues.

Hindi anya nagkulang ang pulisya sa pakiusap at paalala sa lahat na ilagay sa tamang lugar at panahon ang pagsasagawa ng mga protesta.

Ipinaalala pa niya na hindi ugali ng mga Pilipino ang mambastos at ilagay sa alanganin ang seguridad ng mga bisita.

Paulit-ulit anya ang apela ng mga police commanders sa mga raliyista na payapang ipatupad ang kanilang mga aktibidad.

About The Author