![]()
Back in uniform ang BTS members na sina Jin, J-Hope, V at Jimin para sumailalim sa military reserve training.
Nag-post si Jin ng dalawang litrato sa Weverse, kasama ang fellow members na sina J-Hope at Jimin habang nakasuot ng military uniforms.
Sa hiwalay na post sa kanyang Instagram, nagbahagi rin ng kanyang litrato si V habang naka-military uniform din.
Sa report ng Korean Times, lumahok kamakailan ang mga miyembro ng K-pop supergroup sa military reserve training.
Lahat ng BTS members ay nakumpleto na ang kanilang mandatory active-duty military service sa South Korea.
Nakatakdang bumisita sa Pilipinas ang BTS para sa tatlong shows sa March 2027.
